Wednesday, December 21, 2005

Magkakano ang isang bareta?

Dahil sa isa akong apo, inutusan ako ng lola ko noong isa pa akong first year high school na bumili sa tindahan ng isang bareta ng sabon panglaba. Laki ako dito sa maynila pero sa panahon na iyon nagbabakasyon ako sa Iligan City, Lanao del Norte.

Galing sa bahay naglakad ako patungo sa tindahan at pagdating doon dali-dali akong nagtanong sa ale kung meron ba silang isang bareta ng tide. Sagot naman ng ale "Size..."

"Isa lang pong putol. "

"Size..."

"Isa lang pong putol ng bareta ng tide..."

"Size..."

Nagtaka na ako noon kung bakit ba lagi na lang niya ako tinatanong kung anong size ng bareta ang bibilhin ko. Medyo inis na ako non at kunot nuo pero dahil kinailangan ko bumili ng isang bareta ng tide e di pilit ko pa rin sinasabi dun sa ale...

"Yun pong mahabang bareta, putulan niyo lang po ako ng isang parte..."

"Size...."

Ang hina siguro ng kokote nito kaya hindi niya magets ang gusto kong bilhin...

Hindi ko na kaya ito, kaya naisipan ko na lang na magbingi-bingihan...

"Ano ho yon?"

"Size..."

"Ano ho?"

At binago niya ang kanyang pananalita dahil siya rin ay katulad kong naiinis na..

"SSSSS-AAAAAA-YYYYY-III-SSSS!!!!! SSSSIIIIIIXXXX!!!!"

"AAAAAAHHHH!!!! SIX!!! SAIS pala!!!"

Kasi naman lumaki ako dito sa maynila tapos dun ako pinabili sa bisaya na ale. Mabuti na lang marunong din siya mag-english at nagkaintindihan din kami sa wakas.

4 Comments:

Blogger Unknown said...

HAHAHAHAHAHAAAAAAAAAA FUnNY!!!

11:18 PM  
Blogger Josiah said...

joelle

dapat talaga turuan yung babae na yun na diinain yun letter 'i' sa sais. paano na kung sabihin na lang niya 'kumain ako ng mais.' baka mandiri mga tao sa kanya. concerned citizen lang. hehehe.

1:47 AM  
Anonymous Anonymous said...

bwahahahahahahha!! sumakit ang tyan ko dun!!! =D

8:04 PM  
Blogger Josiah said...

uy! lawrence tan nabuhay ka... heheheheh!

10:27 AM  

Post a Comment

<< Home