Monday, December 26, 2005

Ang Alamat ni Kamandag ng Barakuda

Isang araw bumili ako ng cellphone na nokia 3650, bagong labas palang itong model noong panahon na iyon. Ito ay ang aking unang colored na cellphone at nung araw na iyon pinag-experimentuhan ko kung paano ito gumagana. Nakita ko na medyo mabagal pala ang reaksyon nito at kahit papaano may ipagmamalaki ito sa mga nakaraan kong cellphone (3310,5110). Dumating ako sa punto na makita ko ang iba pang kakayahan ng cellphone ko, isa sa mga kakayahan nito ay ang BlueTooth. Ito ay isang paraan o mahika kung saan nakakapag komunika ang dalawang cellphone na hindi nababawasan ang iyong load. (Yun ang alam ko sa mga panahon na iyon).

Inintindi ko ng mabuti kung paano gumagana ang BlueTooth. Bakit? Libre kasi. Nagtitipid ako. Nalaman ko na kailangan pala na lagyan mo ito ng pangalan para malaman ng mga tao sa paligid na ikaw yun kung naghahanap sila ng mga BlueTooth. Nag-isip ako ng malalim. Ano ang pangalan na dapat kong ibigay sa BlueTooth ng Cellphone ko. Una kong naisip ang aking nickname, Sai, tapos lalagyan ko na lang ng 3650 sa dulo para malaman ng mga tao na medyo may kaangatan itong cellphone na ito. "Sai 3650" ang una nitong pangalan.

Nagdaan ang mga panahon at parang hindi ako nakuntento sa pangalan na ibinigay ko. Nag-isip akong muli. Ngayon masmalalim. Gusto ko yung pagnakita ng mga tao tatatak sa mga isipan nila. Wala talaga akong ma-isip. Kaya minabuti ko na lang palitan na lang ng kahit na ano ang pangalan. Napili ko naman ay "Katok ako!" Sa wala ba naman akong maisip, gusto ko malaman ng mga tao na maloko akong tao, masaya kasama at madaling lapitan. Ngunit hindi ata tugma ito sa pangalan ng nagdadala. Matino kasi ako...

Nagdaan muli ang panahon. Hindi nanaman ako nakuntento. Kailangan ng bago at mas-astig na pangalan. Nag-isip ulit, ngayon maslalong lumalim at masmatagal. Gusto ko ng tatatak sa mga isipan ng mga tao, nakakatuwa at may dating. Inisip ko kung manggagaling sa mga pangalan ng pelikula... Naisip ko "Anak ni Baby Ama", ngunit hindi ito sapat sa akin. May kulang. Gusto ko ng parang palabas ni Bong Revilla, pero may kakulitan katulad ni Bong Navarro.

Nag-isip ako muli....

Naisip ko na gusto ko sa dulo ay ang maririnig mo ang 'a'. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ko ba naisip yun. Dahil siguro ito sa dumikit sa aking isipan ang "Anak ni Baby Ama" may iba kasing dating sa akin ang titulo na iyon.

Nag-isip ako muli...

Gusto ko na mala-hayop ang pangalan... Ngunit anong animal naman iyon?

Isip muli...

Gusto ko na medyo wild at mabagsik. Pumasok agad sa aking isipan na dapat maKAMANDAG. Walang duda, dapat meron Kamandag sa pangalan. Walang duda na ahas dapat ang aking hayop. Ngunit "Kamandag ng Ahas", maling mali. Nawawala ang salitang 'a' sa dulo.

Isip muli...

Nood ng TV, discovery channel baka may mapulot. Wala....
National Geographic Channel. Wala muli...
Animal Planet na lang, lumabas ang mga isda... Tilapia, goldfish, electric eel, may lumabas pa na bibe. Ngunit hindi ito ang gusto ko. "Kamandag ng Tilapia", makulit at sa dulo may 'a', pero wala itong kamandag at uulamin ko rin ito balang araw.

Biglang lumabas ang BARAKUDA... mabagsik, maliksi, malakas at mabilis. Kinatatakutan sa karagatan. Ngunit wala rin itong kamandag?!?! Inisip ko muli, matagal akong nag-isip... Nakakatamad din pala mag-isip...

BARAKUDA!!! ikaw na ang hayop na hinahanap ko.

KAMANDAG NG BARAKUDA... mabagsik, maliksi, malakas, mabilis, dating ay parang pelikulang pinoy na ma-aksyon, may banat ni Bong Revilla at may kakulitan ni Bong Navarro. May epekto ba ito sa tao at didikit ba talaga ito sa kanilang isip... Ayaw ko na mag-isip, nawili na ako sa pangalan na ito... kaya ito na ang pangalan ko...

Dito na nagmula ang "Kamandag ng Barakuda" na patuloy na lumiligid-ligid kung saan-saan.

KATAPUSAN

4 Comments:

Blogger joelle said...

BWAHAHAHAHA. kamandag ng tilapia. funny. :))

anyway, mali ung link na nakalagay dun sa friendster mo na dapat papunta dito, nakaturo xa dun sa friendster profile mo, hindi dito. nung kinclick ko, sa profile mo napunta, hindi dito (kulit). o ganun ba talaga? wala lang. ayusin mo (inutusan?) haha. mahaba 'tong comment na 'to kasi tinatamad na kong magclick pa sa iba, mabagal din kasi connection ko kaya dito nalang para isa nalang. hahaha.

una: bakit hindi natuloy yung date niyo? naman! sayang naman. kala ko pa naman go na go na kayo. ano ba ichura nung girl? huntingin natiN! org? tsssss. hahahahah :p regarding the spelling, kawawa ka naman. (ni-rub in pa eh 'no. hahaha joke lang) ako nalang ilibre mo. dahil poor ako. hahaha.

pangalawa: SIZE pala eh, ikaw naman, hindi ka nakikinig. hahaha.

pangatlo: nakakatawa pix mo sa friendster. hahahaha. masyado kang nag-enjoy sa cr. haha. pati gwapo nung nasa background mo. CLOUD. hay. ang ganda at astig ng advent children. ang astig talaga. cute ni reno. hot ni vincent. (hahahaha nagkwento?)

panghuli: bisita ka rin sa blog ko. click mo ito.

thanks!! see you soon! nasimulan mo na ba ung travel essay mo? ako wala pa kong ginagawa sa mga take home stuff ko. haha. wala lang.

10:54 PM  
Anonymous Anonymous said...

ngayon alam ko na kung bakit kamandag ng barakuda. hahaha!

12:10 AM  
Blogger Josiah said...

joelle

tama yung link dun sa friendster ko. kakasubok ko lang ngayon e. dito napunta. pansin ko nga ang haba ng comment mo, yung mga comment ko sa comment dun sa ibang topics dun ko na lang din ilalagay sa respective topics nila para hindi gaano magulo...

pangatlo: yun nga yung reason kung bakit sa cr yung trip ko... nawili ako. feeling ko rin kasi yung cr pinakamagaling na invention sa buong mundo. hehehe! astig nga yung advent children, yun din reason kung bakit yun yung background ko... heheheh!!!

panghuli: sige bibisita ako sa blog mo magcocomment din ako para masaya.

hindi ko pa nagagawa yung travel essay natin... ako pa dakilang tamad...
wait lang blog ko ito ah, bakit ang haba ng comment ko. hahahaha! wala lang.

1:36 AM  
Anonymous Anonymous said...

i dunno that kamandag ni barakuda exists.. now i know, hehe.. so josiah.. very josiah.. ang kulit.. stay kewl dude.. nice one..

2:46 AM  

Post a Comment

<< Home