Friday, December 30, 2005

Hanapan sa Net

Babala: May kayabangan itong post na ito.

Nasubukan mo na ba hanapin ang pangalan mo sa mga search engines?

Matagal ko na itong ginagawa. Ang pangarap ko ay lumabas ang isang resulta na ako talaga ang tinutukoy na tao.

Nagsimula ito nung high school pa ako at sa bawat paghahanap ko noon, dismaya lang ang aking nakukuha dahil wala man lang niisa ang lumalabas na ako. Wala naman ako magawa... Gusto ko may lumabas na ako.

Pero ngayon, kung ilalagay mo sa search engine ang pangalang 'Josiah Sicad' lumalabas na ako. At hindi lang iyon, ako pa yung nasa itaas ng listahan. hahahahahaha! (Mayabang na tawa) At ang isa sa mga search engine (google.com) na iyon... itong blog ko ang nasa pinakataas. Sikat na talaga ako! hahahahahaha! (Mayabang na tawa ulit)

Alam ko marami sa inyo rin ang nasa itaas din ng mga listahan na ito, pero wag muna kayo manggulo. Akin lang itong section ng blog na ito.

Listahan sa araw na ito ng mga resulta na ako ang lumalabas, kapag nilagay mo 'Josiah Sicad'.
Click niyo lang yung link sa baba para makita na totoo ang mga sinasabi ko.

Google
(1) Kamandag ng Barakuda (Blog ko ito! Sarili kong gawa! Iba na talaga ang kamandag ko. hahahah!!!)
(2, 3) 4th placer sa open design ng Zilog! (Isa ako sa grupo ng mga studyante na nanalo sa isang contest, san ka pa!)
(6) AHEAD PASSERSLIST 2001 (Kumuha ako ng review sa AHEAD+ para sa UPCAT, e pumasa sa UPCAT, ginamit nila pangalan ko para dumami yung listahan na pumasa na galing sa kanila. hehehehe!)

Yahoo
(1) Yung Zilog ulit pero news siya sa site ng laboratory namin.
(5) AHEAD PASSERSLIST 2001 (Ginamit nanaman ako)

Altavista
(1) Zilog nanaman
(5) AHEAD (gamit na gamit na ako)

MSN
(1,2) Zilog
(3,4) ECE Conference (Nag-talk ako sa harapan ng maraming studyante at propesor about sa ginawa ko para sa laboratory... San ka pa?! Pwede pala ikwento ito... may kalokohan din ako ginawa rito e. hehehehe!)
(5) Listahan ng miyembro ng laboratory kung saan ako kasali sa UP Diliman.
(8) AHEAD nanaman (Abuso!)

WAHAHAHAHA!!! Lumalabas na rin ang pangalan ko sa mundo.

New goal, pupunuin ko ang bawat page na yan na ako lang!!!

Tama na nga. Baka matamaan pa ako ng kidlat sa ginagawa ko. hehehehe!

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hindi na yung blog niyo yung pinakataas yung sa ZiLog na yata..

napa-search tuloy ako ng pangalan ko ng wala sa oras.. haha.. at ang lumabas UPCAT results!!

10:36 PM  
Anonymous Anonymous said...

hindi ibig sabihin na kung may search results ka sa google o sa anumang search engine ay sikat ka na, bagkus ibig sabihin lamang nito'y mahusay ang pagkakagawa ng mga search engine sapagka't sa pangalan mo'y mayroon ng resulta. maari ka namang guamwa ng isang site at punuin mo ng iyong pangalan gamit ang isang free web hosting service at tiyak ko na magkakaroon ka kagad ng result sa search engine. hehehe, la lang si allan 'to

12:40 AM  
Blogger Josiah said...

Allan naman,

Ngayon lang lumabas pangalan ko, sinisira mo naman yung kasiyahan ko e... pero hindi ako papayag!!! yung mga ginawa ko pinaghirapan ko kaya nandun ako... kaya sikat pa rin ako... bwahahahahaha!!!!

12:53 AM  

Post a Comment

<< Home