Tuesday, January 03, 2006

Sunod-Sunod na Kamalasan

(A Series of Unfortunate Events)

BULOK ANG AUTOMATIC DOOR NG GREENBELT!!!

Nagtungo ako ng greenbelt kanina dahil kinailangan ko sunduin ang pinsan ko sa domestic airport pero nadelay ang flight nito kaya naisipan ko mamasyal na muna.

Aaminin ko na taong bahay lang ako kaya naman gusto ko pumasyal ng greenbelt dahil sa isang beses pa lang talaga ako nakapunta rito, pangalawa na yung kanina.

Kung nabasa niyo yung datengg game, malalaman niyo na nanalo ako sa isang dating game sa event ng engg week, pero hindi natuloy yung date. E nasa akin pa yung gift certificate kaya may chance pa ako kumain sa museum cafe kasama ang isang tao.

Nagtanong muna ako sa gwardya doon kung nasan ang ayala museum dahil malapit lang ang museum cafe rito. Tinuro niya naman sa akin ito. Sabi niya pasok daw ako sa greenbelt 4 at lakad lang ako ng diretso mahahanap ko daw sa dulo iyon. Ginawa ko naman ito.

Astig nga naman ang greenbelt! Automatic doors pa talaga ang mga pinto. (OO, ignorante na ako!) Kahit na nakaranas na ako ng ganitong klaseng teknolohiya... ako'y nabibighani pa rin.

May mga nauna sa akin at nakita ko kung paano ito bumukas. Astig!

Sumara ito ulit. Astig!

Ng ako na ang papasok... HINDI BUMUKAS!!! Paltos!!!

Bighani pa man din ako pero hindi bumukas! Ganon na ba ako kamalas!!!

Sinubukan kong muli. Umatras ako at lumakad ulit papasok. HINDI TALAGA!!!

BULOK!!! BULOK!!!

Siguro isa na itong pahiwatig na sobra na ang kamunduhan ko na lupa lang ang nakikita ng pinto sa pagdaan ko.

Pinapasok na lang ako ng guard sa may exit. Aba! Bumukas yung pinto. Astig!

Dumiretso na ako sa dulo... labas ulit ng building at nakita ko ang ayala museum at museum cafe. Hindi na ako pumasok sa ayala museum dahil wala akong pera pero nakita ko naman ang museum cafe. Ganda ng pagkakagawa nito... Cozy ang atmosphere nito at walang kaduda duda na mahal ang mga pagkain rito... Hindi na pumasok sa isipan ko na tumingin sa menu nito at ako'y bumalik na ng glorietta para magikot-ikot pa.

Marami ng beses ako nakarating ng glorietta at maraming beses ko na rin itong inikot pero hanggang ngayon sa bawat punta ko rito naliligaw pa rin ako. Tulad ng nangyari kanina... Nawala nanaman ako.

Isang advice sa akin ng kaibigan ko na kung nawala ka sa glorietta pumunta ka lang sa gitna at okay ka na ulit. Ito naman ang aking ginawa.

Malaki ang gitna ng glorietta, pwede siguro dun magtayo sa gitna ng bagong basketbol kort at dun na ganapin ang finals ng UAAP.

Ng makarating ako sa ginta, nakita ko na meron pala itong mga upuan. Dali-dali akong bumaba dahil pagod na ako. Paupo na ako ng makita ko na nakaupo rin pala doon yung kakilala ko dati. Ako'y tumabi sa kanya.

Onting kwentuhan, onting tawanan, inspirational talk at educational talk.

Sa gitna ng aming kwentuhan hindi ko namalayan na umuulan na pala. Paano ko nalaman na umuulan? Simple lang... Sa laki ba naman ng gitna ng glorietta SA PWESTO KO LANG MAY TUMUTULO!!! AT HINDI LANG ITO YUNG SIMPLENG TULO!!! SUNOD-SUNOD ITO!!!

NASA LOOB NA NGA AKO NG MALL! NABASA PA AKO NG ULAN!!! MALAS TALAGA!!!

BULOK!!! BULOK!!!

Nakapatay ang fountain, wala naman dumudura, wala rin namang loko-lokong tao ang nambabasa sa akin. Hindi lang iyon... nakatingin pa talaga lahat ng tao sa akin... nakakahiya!!!

Isa rin ba itong pahiwatig na sobrang makamundo na ako, kahit nasa loob na ako ng mall nahahanap pa rin ako ng mga tubig.

Tumingin ako sa itaas at nakita ko na malakas nga ang ulan sa labas. Naghintay ako tumila ang ulan para ako'y makaalis na.

Nakwento ko sa kakilala ko yung datengg game, sinabi ko rin na balak ko na gamitin na lang pagmalapit na yung valentines day yung gift certificate. Tugon naman nito sa akin "Kung ako sa iyo gamitin mo na yun, malay mo hindi mo na magamit yun pagdating ng valentines. Baka mabangga ng kotse o kaya mabagsakan ng eroplano. Hindi mo alam ang mga mangyayari."

Napa-isip tuloy ako... May magandang point nga siya... paano nga naman kung mabangga ng kotse yung museum cafe e di hindi na ako nakakain dun. Maghahanap na nga lang ako ng kaibigan na pwede ko dalhin don. Pressure naman o...

Balik sa kwento...

Nang tumila na ang ulan, sumakay na ako ng MRT para sa isa pang pakikipagsapalaran papuntang domestic airport na hindi ko alam kung nasaan.

It's a jungle out there.

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nyek at abat akalain mo ba naman! meron ka ring blog!

ahahaha...sayang nga lang at blogspot...kunglivejournal ka lang sana mas masubaybayan ko ang iyong mga entries!

-tipz

natawa ako run ah. pero di ko parin nagets bakit ka nauulanan sa loob ng mall?

2:09 AM  
Blogger Unknown said...

hey that was another entertaining and educational post.........

3:06 AM  
Blogger Josiah said...

may naisip na ako para masubaybayan ng mga tao ang blog ko. =)

basta dun sa gitna ng glorietta, may butas ata yung bubong tapos sakto sa akin yung mga tulo na galing don.

11:27 PM  
Blogger May said...

tama! LJ ka na lang!!!

sabi ko, ako na lang sama mo sa m cafe eh... pero hindi ba expired na yun??? kasi one month lang ata or until dec 31

1:39 PM  

Post a Comment

<< Home