Saturday, January 07, 2006

Bulag, nagwindow shopping

Kagabi nasa mcdo philcoa ako para sa isang pagpupulong para sa proposals namin sa BA192. Nang matapos ang meeting, umuwi na ako kasabay si Lew dahil isa siya sa mga kagrupo ko. Parehas lang kami sumasakay ng SM North kaya naman parehas ang aming daan pauwi.

Umakyat kami ng overpass dahil nasa kabilang dako ang SM North na jeep. Meron mga tao sa dalawang gilid ng overpass na nagbebenta ng kung anong samut-saring mga tinda.

Nang makaakyat kami, nakita namin ang isang tao na nag-iisa na may dala-dalang patpat at ihinahampas hampas niya ito sa sahig na para bang nangangapa kung nasaan ang kanyang dinadaanan. Kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya nakatingin sa kung saan. Walang duda, bulag ito.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Sa kilos at sa mga bagay bagay na dala niya kumpleto ang sangkap ng kanyang pagkabulag.

Nagmatiyag ako muli. Si manong bulag biglang tumigil ng may malapit na itong makabangga.

Sabi ko sa aking sarili, "Galing talaga ng mga bulag, kahit hindi nila kita ang kanilang mga dinadaanan nararamdaman naman nila kung may tao o bagay na malapit sa kanila kahit hindi pa ito tinatamaan ng patpat nila." Para bang mga paniki.

Bighaning bighani ako sa kanya. Napa-isip tuloy ako kung paano iyon.

Nang tumingin akong muli sa kanya... SI MANONG BULAG TUMITINGIN-TINGIN SA MGA PANINDA SA GILID NG KANYANG PINAGPIGILAN!!!

Nabigla ako sa nakita... Wala talagang duda, bulag ito. Lahat ng kilos at lahat ng ayos nito ay bulag na bulag. Pero bakit ganon? Baka joke time lang.

Nagmatiyag ako muli...

Lakad uli si manong. Ganon nanaman ang kanyang kilos. Hinahamapas hampas niya ang kanyang patpat sa sahig na para bang nangangapa at nakatingin ito sa hangin. Bulag na bulag ang paglakad.

Tumigil itong muli... TUMINGIN NANAMAN SA PANINDA SA KANYANG GILID!!! Ibang klase nga naman ang bulag na ito, nagwiwindowshopping.

Tinanong ko si Lew "Bulag ba iyon?"

Tugon naman nito "Yun nga rin iniisip ko kanina pa..." Sabay tawa kaming dalawa.

Nung bumaba na kami ng overpass, bumaba na rin si manong bulag sa kabilang hagdan ng overpass.

Hanggang ngayon iniisip ko kung ano ang totoo, bulag ba talaga ito o hindi... Wala talagang duda sa mga kilos at gamit niya bulag siya pero sa pagwwindowshopping niya walang duda hindi rin ito bulag.

Iniisip ko rin kung sino ba ang masmukhang tanga sa amin... Siya ba o kami? Malay mo meron pala camera dun sa gilid gilid tapos sasabihin sa amin WOW! MALI! Sana naman wala, kasi mukha talaga kaming ewan nung pinagmamasdan namin siya na kitang kita na nabigla kami at makikita pa ito sa national level.

1 Comments:

Blogger Unknown said...

maybe they were shooting one of those "just for laughs" things. haha

11:25 PM  

Post a Comment

<< Home