CR Privacy
Gaano ba kaimportante sa inyo ang inyong CR privacy?
Ah! Basta ako importante ito sa akin. Importanteng importante.
Isipin mo na lang hirap na hirap kang ilabas ang tae mo, tapos ng nakuha mo na ang tamang tsempo may isang bagay na nakawala sa isipan mo sa konsentrasyon. Wala na, hinila na pabalik sa looban ang tae na dapat nailabas mo na sa mga oras na iyon. Nakakainis. Nakaka-panghinayang.
Isa pa kung may isang bagay na bigla na lang pumasok sa iyo baka hindi mo alam iba na pala ang pagtingin sa iyo. Masama pa nito kapag nasa loob ka ng CR ng lalaki. Ano na lang ang iisipin sa iyo kapag may nakita kang parte ng katawan sa kabilang cubicle ang bigla na lang pumasok sa cubicle mo?
Gaano ba kaimportante sa inyo ang inyong resibo?
Hindi ko alam sa inyo, pero sa amin importante ito dahil nakakabawas ito sa pagbayad ng tax ng aming pamilya. Hindi ko alam ang detalye pero yun ang sabi ng aking mga magulang.
Noong lunes ng umaga, bumili kami ng aking ina sa Olympic Village ng swimming trunks at goggles dahil kailangan ko ito sa PE ko ngayong semestre. Dahil naglalakad kami ng aking ina, isinaksak ko na lang ang aming pinamili sa loob ng aking bag.
Matapos namin bumili ay oras na ng tanghalian at gutom na kami parehas ng aking ina. Nakita namin ang Tokyo Tokyo sa 2nd Floor ng SM North. Bigla ba naman nagloko ang aking tiyan.
Mabuti na lang ay mayroon tissue sa bag ko, kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo pa sa 3rd Floor CR. Lakad ako ng mabilis na halata na nagpipigil sa papalabas na kababalaghan.
Pagpasok sa CR, hanap agad ng libreng cubicle.
Pasok.
Lock.
Hubad.
Upo.
Tae.
Phew! Sarap tumae!
Oras na para linisin ko ang aking puwitan gamit ang tissue sa aking bag.
Nasa ilalim ng bag ko ang tissue at sa kasamaang palad nasa ilalim ito dahil isinuksok ko lang ang pinamili namin sa bag ko.
Hinugot ko ang tissue galing sa ilalim at sa kasamaang palad ay TINAMAAN NITO ANG RESIBO NG PINAMILI NAMIN AT PUMUNTA SA KABILANG CUBICLE NA MAYROON DIN TAONG TUMATAE!!!
Nag-isip ako agad, wag ko na lang kaya kunin yung resibo dahil papel lamang iyon.
Paano kung may magtanong sa akin na guard at bigla nalang tanungin kung nasaan ang resibo at wala sa akin e di napagkamalan pa akong magnanakaw.
Hindi naman mangyayari iyon, wala pa naman akong nakikitang guard na ganoon kaya pwede ko na siguro hayaan na lang ang resibo.
Pero hindi. Kailangan namin ng resibong iyon dahil medyo may kamahalan ang aming pinamili at makakabawas ito sa aming gastusin... (Kuripot)... kaya kailangan kong makuha kaagad ang resibo na iyon.
Pero nakakahiya, mamaya kung ano pang isipin ng nasa kabilang cubicle tungkol sa akin.
Paano kung mahilig pala sa lalaki ang nasa kabilang cubicle at abangan ako sa paglabas ko? Patay na!
Pero kailangan ko talaga makuha ang resibo.
Bahala na... Kuha!
E dahil sa magaling ako, naisip ko ang lahat ng iyan in 0.0000032134546777328 seconds. Sapat na para makuha kaagad ang papel sa kabilang cubicle bago pa ito tuluyang makalayo.
Mabuti na lang ay mahaba ang aking mga kamay, kung hindi baka mapatayo pa ako at kung saan pa magtungo ang mga labi ng tae ko sa puwet ko.
Itinago ko na ng maigi ang resibo at nagpahid na ng tissue.
Kuha.
Pahid.
Kuha.
Pahid.
Kuha.
Pahid.
Marami pa ba natitira?
Mukhang meron pa.
Kuha.
Pahid.
Inspection.
Mukhang OK na.
Tayo.
Bihis.
Kuha bag.
Unlock.
Labas at patay kang bata ka... may baklang nasa labas na nakatayo sa harapan ng pinto.
Kinabahan ako, ito na ba yung lalaking nasa kabilang cubicle.
Mukhang hindi, iba ang kislap ng kanyang mga mata. Para bang hindi na makapaghintay, hindi na kayang magtiis. Nakapila pala.
Phew ligtas!
Pero kung nasaan ka man, lalaki sa kabilang cubicle. Pasensya na, naabala ko pa ang CR privacy mo. Sana maintindihan mo, masimportante ang resibo ko kaysa sa dangal ko at pagtae mo.