Wednesday, April 12, 2006

Creative Writing

Sa pitong asignatura ko noong nakaraan na semestre ang pinakapaborito ko at pinaka hindi ko malilimutan na asignatura ay ang Creative Writing 10 o maskilala sa maikling CW10.

Matagal ko na ito gusto isulat dito sa blog ko ngunit dahil meron pa kaming klase at baka lang nagbabasa pa ang aking guro ng aking blog (asa pa ako) baka kung ano pang mangyari sa grado ko. Kaya tapos na ang semestre, malaya na akong makakapagsulat tungkol rito.

Ika nga ng aking guro na si Ma'am April Yap, bago mo gawin kalokohan ang iba sa pagsusulat ng isang bagay, kailangan munang unahin mo isulat ang iyong sarili para naman hindi masyadong nakakasakit kapag iba na ang nilalaglag mo. Kaya unahin ko ang aking sarili.

Ako ay isang estudyante ng asignaturang ito, at aminado akong hindi ako magaling magsulat sa wikang ingles. Kung kaya naman kinakailangan ko talaga ng malaking tulong mula sa ibang tao. At ang isa sa mga taong ito ay si Becky.

Hindi ko makalimutan ang unang papel na pinatingnan ko sa kanya. Sa una ang linis pa ng papel, ngunit pagbalik nito sa akin parang dumaan sa matinding labanan ang papel ko dahil ito ay nagdurugo sa pula. Pero dahil sa mga ganoong mapupulang pagkakataon hindi ko makakalimutan ang tulong na ibingay niya sa akin.

Isa pa sa mga hindi ko makalimutan sa asignaturang ito ay ang isa kong kaklaseng babae na kapag tinatawag siya ng aming guro ay parang gusto ko siyang itali o di kaya ay bihisan ng straigh jacket. Ito ay sa kadahilanan na ang kanyang kamay ay kung saan saan lumilipad kapag siya ay nagsasalita. Dati medyo kalmado pa ang kanyang kamay, tapon dito, tapon doon, matindi na kung umabot na ng balikat niya ang kanyang kamay. Pero nagkamali pala ako sa aking inakala. Hindi pa pala iyon ang pinakamatindi. Hindi ko talaga makalimutan ang mga oras na iyon, sinabi niya "...the WHOOOOLE WOOORLD..." sabay buka ng kanyang mga kamay at todong ibinuka ang kanyang mga braso at gumawa ng isang malaking bilog gamit ang kanyang mga mahihiwagang kamay. Hindi ko napigilan ang aking sarili at nasabi ko na lang ay "WOOOWWW!!!".

Hindi ko rin malilimutan ang isa ko pang kaklase na kapag siya naman ang nagsasalita ay hindi ko malaman kung kulang pa ba ang pagsusuklay niya ng kanyang buhok. Palibhasa kailangan niyang hawakan at haplusin ang kanyang buhok sa bawat salita na kanyang ilalabas. Kung kaya kapag siya ay nagsasalita ay hindi ko na malaman kung ano ang kanyang mga sinasabi pero dun lang ako nakatingin sa kanyang buhok. Naaalala ko pa noong tapos na siya magsalita at nagsasalita na ang aming guro ay hinaplos niya ang kanyang buhok muli, tumigil ang aming guro sa pagsasalita at tinanong kung meron ba siyang gusto sabihin. Natawa ako sa mga oras na iyon dahil sa tingin ko pati ang aming guro ay napansin na bawat haplos sa kanyang buhok ay may kaukulang salita sa kanyang bibig.

Ang aking katabi naman ay hindi ko dapat makalimutan. Ang halimaw na ito ay walang iba kung hindi si Joelle. Naging masaya ang CW10 ko dahil din sa kanya dahil kapag siya ay tinatanong ko kapag hindi na ako makasunod sa discussion ay ang kanyang isasagot sa akin ay "Huh?" Doon ko lang nalaman na parehas na pala kami hindi na makasunod sa mga sinasabi. Palibhasa mga engineering kasi kaya ganon ang pag-iisip.

At siyempre pa, hindi ko makakalimutana ng aming guro na si Ma'am April Yap. Sa simula ng klase ay akala ko ang CW10 na ang magiging pinakaboring kong asignatura ngunit isa pala itong pagkakamali dahil sa aming guro na tunay nga namang nakakatuwa habang nagtuturo dahil sobra kung makapanglait ng mga pangit na palabas sa sinehan at kung ano pang meron sa kamunduhan na ito. Diretso siya magsalita at lagi na lang patok ang kanyang mga biro sa akin.

Pababala sa mga estudyante niya, laging wrong timing si Ma'am magtawag dahil kapag ako ang kanyang tinatawag ay lagi na lang dun ako sa parte na wala akong masagot. Ang gagawin ko na lang ay magsasalita na lang ako ng kung ano-ano pero kailangan may confidence upang hindi niya malaman na wala akong alam.

Tunay nga naman nagsiya ako sa nakaraang semestre dahil sa asignaturang ito. Naway kayong mga nag-iisip pa ng kukunin na asignatura sa susunod na semestre ay kunin ang CW10 at kunin niyong guro ay si Ma'am April Yap para hindi kayo maboringan. Piliin niyo na rin yung mga kaklase ko dahil tunay nga naman silang nakakatuwa.

3 Comments:

Blogger joelle said...

BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

=))=))=))

"huh?"

kawawang eng'g students. alam mo namang laging lumilipad ang utak ko lalo na't umaga, medyo tulog pa. huwahahaha. grabe, ang init ngayong summer. loser ko, may pasok.

oi, sabay tayo ggraduate dood. =))

6:15 PM  
Blogger Josiah said...

sabay tayong ggraduate?!?!? not in a million years!!! ggraduate na ako bago ka pa makutungtong ng building namin!!! waaaaahhh!!! nakakapagpanic tuloy.

6:29 PM  
Blogger joelle said...

WAHAHAHA!! hindi rin!!! ayan na koo.. =)) oi belated, nagbirthday ka ah? nakita ko ata sa friendster.

7:37 PM  

Post a Comment

<< Home