Tuesday, March 28, 2006

Duguan

Opo, isa po akong biktima ng akademiya.

Simula pa ng tumungtong ako ng apat na taon, pumapasok na ako limang beses sa isang linggo.

At ngayon bente anyos na ako, pagod na pagod na ako. Parang sawa na ako. Kailan kaya matatapos ang paghihirap na ito.

Isipin niyo lang ng mabuti... (sorry medyo madugo itong computation na ito)

Bente na ako ngayon. Apat na taon akong nagsimulang pumasok. 16 years na ako nag-aaral.

June to March ang klase ng prep, kinder, elementary at high school.

June: 30 days
July: 31 days
August: 31 days
September: 30 days
October: 31 days
November: 30 days
December: 31 days
January: 31 days
February: 28 days
March: 31 days

Assuming na meron 4 na sabado at linggo bawat buwan at meron dalawang linggo ng Christmas break.

30+31+31+30+31+30+31+31+28+31-10*(4*2)-14 = 210 araw ang pasukan sa isang taon.

At dahil pala-absent ako nung bata pa ako, mababawasan pa iyan ng mga 15 absences bawat taon.

210-15 = 195 araw bawat taon ako pumapasok simula apat na taon hanggang disi-sais anyos ako.

(16-4)*195 = 2340 araw ako pumasok noon.

Sa kolehiyo pumapasok ako ng summer classes dahil isa akong pasaway na studyante at nadadali ako sa aking mga aralin.

Ang summer ay umaabot ng 30 days na pagpasok. Tatlong beses akong nagsummer.

3*30 = 90 araw ako pumasok para sa summer.

195*4 + 90 = 870 araw akong pumasok sa buo kong pagka-kolehiyo.

Suma-tutal 3210 days na ang pinundar ko sa pagiging studyante ko.

AYAW KO NA!!!

Pero ito pa rin ako nag-aaral para sa dalawang exam ko bukas, dalawang papers na kailangan ipasa sa lunes at isang project na kailangan din ipasa sa lunes.

Bakit naman kasi meron mga tao dati na yung pinag-aaralan natin ngayon ay past time lang sa kanila. Kasi naman bakit pa kasi nagawang past time ang paggawa ng computers e.

Tama na nga ito mag-aaral na ako ulit. Duguan na kasi ako dahil hirap intindihin yung pinag-aaralan ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home