Monday, February 20, 2006

Butterflies

Dahil sa kadahilanan na may mapapahiyang batchmate ko dito sa entry na ito, hindi ko na lang babanggitin kung sino yung tao na nagsabi ng mga nakakahiyang bagay.

Si Zyra ay nakakahiya matapos ang 7.5km trip batch walk namin.

Pagod na kaming lahat (Gian, Cat at ako) ang layo ba naman ng nilakad namin at mga dalawang oras kaming naglalakad na walang tigil.

Nagpunta kami sa baba ng AS steps para magpahinga.

Naglabas ng pambata na libro si Cat. Naaalala ko yung mga librong ito dahil ito yung mga libro na binabasa ko nung bata pa ako.

Sobrang nagusuhan ko ang mga libro at marami sa mga bagay na alam ko tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo ay natutunan ko rito. Maslalo na tungkol sa mga insekto.

Nang nakita ni Zyra ang mga libro, sabi niya "Yan yung mga libro na binebenta ko dati. Naaalala ko yung bata pa ako yung mga tungkol sa mga butterfly."

Bigla itong nagpaliwanag ng kung ano-ano at nabanggit niya, "Yung proseso ng pag-iibang anyo ng butterfly galing sa caterpillar ay dahil sa photosynthesis."

Natigilan ang lahat at nagtawanan kami.

Usap-usap ulit at ng mapunta ulit sa mga butterflies ang aming usapan.

Nagtanong si Cat "Ano yung tawag dun sa proseso ng pag-iibang anyo ng butterfly mula sa cocoon?"

Sambit naman ni Zyra "Alam ko nagsisimula yun sa letter C."

Sagot ko naman "Metamorphosis...."

Biglang sagot si Zyra "Tama! Metamorphosis nga!"

Tandaan mga bata, Metamorphosis starts with letter C. Ayun po ito kay Zyra.

Zyra peace tayo.

2 Comments:

Blogger Unknown said...

hahaha... poor zyra

8:49 PM  
Blogger Josiah said...

hehe! poor zyra, but if you meet her she's a really nice lady/woman/girl (di ko alam kung ano ka zyra) basta alam ko masaya kasama si zyra. walang idle time pati maraming kalokohan. Saludo ako kay Zyra, dahil sa lahat sa amin sa tingin ko siya yung may pinakagrabing experience sa buhay.

10:49 PM  

Post a Comment

<< Home