Monday, February 06, 2006

Magnanakaw ng Libro

Kanina, sa hindi ko malaman na kadahilanan, gusto ko mapag-isa habang nag-aaral. Kaya naman ay pumunta pa ako sa silid-aklatan ng kolehiyo ng mga enghinyero para lang mag-aral magisa.

Nang makarating ako sa silid-aklatan ng mga enghinyero, nagsimula ako maghanap ng libro tungkol sa MySQL. Dati-rati na ako naghahanap ng libro para lang matutunan ko ang lengwahe na dala nito ngunit sa bawat punta ko parati na lang walang libro para rito.

Ngunit kakaiba ang araw na ito. Meron akong nakita kaagad na libro. Tuwang-tuwa ako at binasa ko ito pagkarating ko sa aking upuan.

Hindi ako mahilig magbasa kaya naman ay inantok ako kaagad at naisipan na hiramin na lang ang libro at ganon nga ang aking ginawa. Kinuha ko ang aking library card na walang kalaman-laman dahil hindi ako humihiram ng libro. Sinulat ko ang access number at call number ng libro at iniligay ang aking pangalan at student number sa papel na nakalagay sa libro.

Matapos kong gawin ang mga pagsusulat tumayo na ako at lumapit sa circulation desk. Binigay ko ang libro at library card kasama na rin ang aking ID. Inasikaso niya na ito at sandali lang nailagay niya na sa sistema na hiniram ko ang libro.

Dumiretso ako sa aking upuan muli at dun ay nilagay ang libro sa loob ng bag at kumuha ng bagong aaralin mula sa aking bag.

Inantok muli ako at napag-pasyahan ko na lang na umuwi. Isa pa mainit sa loob ng silid-aklatan dahil sira ata yung isang aircon.

Nagligpit na ako at nilagay ko lahat ng gamit sa loob ng bag, kasama na rito ang libro na hiniram ko. Dumiretso ako sa labasan at pinakita ko ang aking bag.

Napansin ng babae ang libro na hiniram ko dahil meron itong tatak sa gilid na libro ito ng kolehiyo ng mga enghinyero. Ngumiti ito na para bang nang-aasar at nababasa ko sa mukha niya na "Hahaha! Akala mo makakalusot kang magnanakaw ka!"

Napahiya nanaman ako!!! Minsan na nga lang ako mapadpad sa silid-aklatan at minsan na lang ako manghiram ng libro napahiya pa ako at napag-isipan pa na magnanakaw!

Inilabas ko ang libro at pinakita ko sa kanya na hiniram ko ang libro. Kahit na ba napakita ko na sa kanya na hiniram ko ang libro, ganon pa rin napahiya pa rin ako.

Tinanong ko sa kanya kung kailangan nga ba talaga ipakita yung libro na hiniram bago lumabas kahit na ba napakita na ito sa isa pang librarian na nahiram ko na ito.

Sagot nito sa akin na SOP (standard operating procedure) pala ito.

Nakakahiya talaga. Sa lahat ng ayaw ko ay napapahiya ako at masmalala pa roon ang nakuha ko. Nagmukha pa akong magnanakaw ng libro.

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

SOP yan sa lahat ng library... halatang di ka nagagawi ng lib ah... :)

11:21 AM  
Blogger Josiah said...

Sa lahat ng lib SOP yun?!?!?!? 4th year college na ako hindi ko pa rin alam yun. nakakahiya. nakita pa man din nung babae yung ID ko. :((

7:14 AM  
Blogger ScIoN said...

Hindi yun kahiya-hiya. Hindi nag-alarm yung system nila kaya ok lang. Ni-double check lang nila kung sakaling nakalusot nga sa "alarm system".

9:01 PM  
Blogger Josiah said...

salamat scion, buti na lang meron pa akong dignidad matapos ang insidenteng iyon. :)

11:12 AM  

Post a Comment

<< Home