Monday, March 27, 2006

Bakit Ba Ako Isang Computer Engineer?

Matapos kong pangarapin na maging isang katulong, janitor, waiter at tagapagbantay sa sinehan para lang makapanood ng libre ay ninais ko ng magbago ng kapalaran.

Nasa high school pa ako noon, hindi ko alam kung anong kurso ang kukunin ko sa kolehiyo pero kailangan ng malaman kung ano, malapit na kasi akong magfourth year high school.

Maraming nagsasabi sa akin na kunin ko raw ay Computer Engineering dahil daw magaling daw ako sa computers, pero sa tingin ko naman bulok talaga ako dahil marami akong hindi nagagawa. Pero sa tingin ng iba, mahirap na ang ginagawa ko dahil bago pa nila malaman ang powerpoint ng microsoft ay alam ko na kung paano ito kalikutin.

Sinabi ko sa aking sarili na hindi ako padadala sa mga sabi-sabi ng iba, pero kukunin ko kung ano yung gusto ko, pati kung saan ako masaya. Pero hindi ko talaga alam kung ano ang gusto kong kurso.

Naisipan ko na mag-tourism na lang. Tutal naman sa bahay lang ako parati, gusto ko naman makapamasyal. Pero parang kulang pa rin.

Naisipan ko naman na mag-business administration pero iniisip ko palang dumudugo na ilong ko.

Na-upo ako ng matagal sa aking kama at nag isip-isip at nagmuni-muni. Kung saan-saan na nakarating ang aking isipan pero wala talaga akong maisip na magandang kurso para sa akin.

Nagresearch ako sa internet kung ano ang tamang pagpili ng mga kurso at nalaman ko na karamihan pala sa mga engineering ay kinuha ang kanilang kurso dahil gusto nila maging engineer. E ako? Hindi ko naman ginusto maging engineer.

E kung magmath na lang ako? Tutal naman isa ako sa marunong talagang magmath sa klase namin. Pero ayaw ko nga, kurso iyon ng nanay ko nung kolehiyo pa siya kaya ayaw ko pati hindi ko makinita ang aking kinabukasan sa pagsabi na "Wow! Ang saya-saya pala magmath! Ang cool ng theory ni ganito at ang theory ni ganyan." Hello sa mga geeks sa mundo! (Sana makalabas pa ako ng math building ng buhay)

Ano ba talaga? Ano ba ang gusto ko kunin pagdating sa kolehiyo.

E kung maging isang mechanical engineer na lang kaya ako, para kapag nagkatrabaho na ako bibili ako ng kotse tapos kapag nasiraan ako sa gitna ng kalsada alam ko kung ano ang dapat kong gawin. (Alam ko hindi lang kayo mekaniko, mga mechanical engineer.)

May isang araw, nanood ako ng telebisyon. At ang aking napanood ay sobrang nagpabago ng aking isipan. Simula sa mga oras na iyon, sigurado ako, computer engineering ang magiging kurso ko. Wala na itong duda, wala na itong urungan. Mahirap kung mahirap. Laban hanggang sa kamatayan.

Ang napanood ko ay "GUNDAM WING!!!"

Ano? Makikialam ka? Sabihin mo na pambata ang isipan ko. Sabihin mo sino naman ang luko-luko makakaisip na kumuha ng computer engineering dahil sa gundam? Parang ang layo naman ata.

Ito lang ang masasabi ko sa mga katulad ninyo, "Kamusta kayo? Ako ang luko-luko na makakaisip na kumuha ng computer engineering dahil sa gundam."

Naisip ko lang na ang astig naman kung meron mga robot na naglalakad diba? Pati mga paa lamang ang nakakapag-adapt sa kahit na anong klase ng daanan. Mapaglubak man o patag. Paa lang ang kayang gumalaw ng matino.

Kaya ito ako ngayon, isang computer engineer. Nagpapakabaliw at nagpapakalubog sa mga aralin tungkol sa electronics.

Inaamin ko mahirap pero masaya naman ako sa ginagawa ko. Kaya wag ka ng makialam. Blog ko ito.

1 Comments:

Anonymous glennposadas said...

bro...hahaha..BS Computer Eng. din kukunin ko.ako comp. wizard ng skul namen e..hahaha

10:15 PM  

Post a Comment

<< Home