Monday, March 13, 2006

Pangako

Noong simula ng selebrasyon ng anibersaryo ng Circuit ako, kasama si Tipz, ang bumili ng mga inumin sa coop na matatagpuan lamang sa gilid ng shopping center.

Nakabili na kami ng mga inumin. Napakarami nito kung kaya't sa pagbuhat palang ay napagod na ako. Mabuti na lang nandiyan sila Oliver at sa sasakyan niya na lang namin dinala ang mga inumin dahil sa masmalapit ang kanyang sasakyan kaysa sa sasakyan ni Tipz.

Pabalik kami ni Tipz sa sasakyan niya ng mapansin namin ang isang bata na naka-abang para kunwaring tutulungan ilabas ang kotse ngunit sa totoo lang ay gusto lang nila humingi ng pera, kahit kaunti lamang.

Usapan namin ni Tipz na huwag na lang bayaran ang bata dahil hindi naman talaga ni Tipz kailangan ng tulong para ilabas ang kanyang sasakyan at baka hindi lamang niya sa pagkain ito ilagay.

Pumasok na si Tipz sa harapan at tinanggal niya ang lock sa puwesto kung saan ako uupo, ito ay sa harapan din. Umupo na rin ako at isinara ang pintuan.

Napansin ko muli ang bata sa tabi ko naman nakatayo. Medyo nagaalala pa ako sa kanya dahil baka mabangga siya dahil sa lapit ng kanyang pagkakatayo sa sasakyan.

Paalis na kami at napansin ni Tipz na nandun pa rin sa tabi ko ang bata, pero iba na ata ang pakay nito. Kinakatok niya na ang bintana sa puwesto ko.

Laking gulat ko na lamang na napansin ko kung ano yung ginagamit niya sa pagkatok ng bintana. Hindi ako nagkakamali. Kahit bulok bulok na ito sa labas na anyo, walang duda cellphone ko iyon pinangkakatok niya.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan at ito naman ay kanyang inabot. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Mga tatlong beses ata ako nagpasalamat. Sa mga oras na iyon gusto ko siya bigyan ng pera dahil alam ko wala na akong ibang paraan para masuklian ang kabutihan ng kanyang ginawa, siguro meron pa pero hanggang ngayon wala pa rin akong maisip, pero wala naman akong dalang pera.

Mabuti na lang nagbigay si Tipz ng limang piso para sa bata. Alam ko hindi kapantay iyon sa kabutihan ng bata, pero wala na talaga ako mabigay. Gusto ko man ipamalita sa telebisyon na meron din isang bata sa likod lamang ng shopping center ang sobrang bait na ibinalik niya ang cellphone ko kahit na ba may malaking pagkakataon siyang itakbo ito, pero sigurado ako walang magkakagusto sa istoryang ito sa kompanya ng telebisyon.

Kaya ito ako ngayon, nagsusulat, dahil kahit hindi niya alam itong pangako na ito. Gusto ko malaman ninyo na pangako ko sa kanya ay gagawa ako ng isang post alang-alang sa kanya na walang hininging kapalit at walang pag-aalinlangan isinauli ang cellphone ko.

Bata, maraming salamat.

2 Comments:

Blogger Unknown said...

this is getting boring. aren't you on summer yet?!?!

8:40 PM  
Blogger Josiah said...

sorry, i'm still doing my academic stuff. got many things to work with. WAAAAAHHH!!! I hate academics!!! just only one week and i'm back to blogging again. i just hope that things won't extend. sorry for the boring blog.

10:05 PM  

Post a Comment

<< Home