Sunday, April 29, 2007

Maling Kayabangan

Mayabang ka ba dahil may nagagawa ka na kakaiba sa ibang tao?
Mayroon bang isang bagay na pinagmamalaki mo sa mundo pero alam mo hindi dapat?


Kung "OO" ang sagot mo, huwag kang magulo. Blog ko ito. Ako ang magyayabang dito.

Nasa baba ang mga listahan ng mga yabang ko.

  • Kaya kong patunugin daliri ko ng maraming beses, hindi katulad ninyo na isang beses lang. (Bawal ang palakpakan ah)
  • Kaya kong pumitik na may lalabas na tunog. Ako lang at tatay ko ang nakakagawa nito.
  • EEE 33 Final Exam - Ako lang, inuulit ko, AKO LANG!!! ang nag-iisang tao sa batch namin na kinuha ang tatlong (3) oras na exam nang isang (1) oras at kalahati dahil may lakad ako. Ako ang pinaka-una natapos. Alas-nuebe (9AM) kasi simula ng exam, sabi 1 oras at kalahati lang nung una kaya gumawa ako ng lakad ng alas-onse imedya (11:30am). E ayaw ko na naghihintay mga tao sa akin kaya tinapos ko agad ang exam. Anong magagawa, ISANG-DAAN PURSYENTO LANG NAMAN ANG NAKUHA KO!!! PERPEKTO!!! Niloko pa ako ni Sir Malquisto na bagsak daw ako, pero pagkuha ko ng papel ko, aba 100 nakalagay na ginawang mata ng smiley yung dalawang zero. Panalo! Salamat nga pala kay Doc Sison, Ma'am Guev at Sir Malquisto sa pagpapahirap at kay Sir Mong na sinubukan magpadali pero mahirap pa rin dahil sa naunang tatlo.
  • EEE 105, Doc Alarilla - Ako lang, inuulit ko, AKO LANG!!! ang bumagsak sa klase namin... Pambihira ba naman!!! Perpekto ko lahat ng Machine Problem namin tapos bagsak ako!!! Saan ka nakakakita non!!! Isa lang ata ako o dalawa kami na nakagawa ng ganon. Malala pa non, walang attendance ang klase. Lagpas kalahati ng klase ang hindi pumapasok, pero isa ako sa mga natatanging studyante na nagsisipag pumasok tapos ako lang ang bumagsak? Tama ba yun? E pinakita yung exam papers ko, ano magagawa ko 10% ang average ko. Wala ako reklamo. SECOND TAKE!!!
  • Ma'am Knopf Engineering Science (ES) Marathon
ES11: Teacher: Ma'am Knopf
ES12 First Take: Teacher: Ma'am Knopf
Mahiwagang salita ni Ma'am Knopf: Gagraduate ka ng ES kapag grumaduate ka sa akin.
ES 12 Second Take: Pre-rog, hindi alam ang kung sino teacher basta makakuha lang at matapos na. Putik!!! Si Ma'am Knopf ulit!!! Tama nga sinabi niya nung first take ko.

Isa pa, isa ako sa mga natatangi niyang studyante na sa unang beses niya nagturo ay studyante niya ako. Kung bibilangin natin kung ilan beses niya ako naging studyante laban sa ilan beses siya nagturo, 3 is to 4 ang labanan. Ma'am Knopf marami pong salamat sa pagtuturo, kahit alam ko nainis kayo sa amin ni geoffrey dahil ang daldal namin.

  • Pakapalan ng sticker sa UP ID - Simula ng fresh na freshie ako hanggang grumaduate ako, hindi ko pinatanggal ang sticker kapag nagpapa-counter-sign ako. Sampung (10) semestre at apat (4) na summer ang kinuha ko. OO!!! kumpleto ko ang summer para lang maging on time. Bali lahat-lahat katorse (14) na sticker ang meron sa ID ko. Tagpi-tagpi na nga ang ID ko at kitang-kita ang kalumaan nito pero ito pa rin ang ginagamit ko at diskarte nalang ang ginagawa ko para lang makita pa ang pangalan ko.
  • Magbasa tayo ng resistor values - Ako lang, inuulit ko, AKO LANG!!! sa EEE ang hindi sumubok magbasa ng resistor band values kahit itinuro pa ito dahil trip ko lang at gusto ko ipakita sa mga tao na pwede grumaduate na hindi marunong magbasa, pero hindi ko inaanyayahan na gawin ito dahil mahihirapan kayo. Ako nahirapan. May lumabas ba naman sa EEE 25 exam na kailangan marunong ka magbasa ng resistor values, natural zero ako sa item na yun.
  • Surprise!!! - sa tanang buhay ko ito na siguro ang pinakamalala na ginawa kong kalokohan. Ang alam kasi ng magulang ko na delayed ako, summer graduate ika-nga. Pero dahil sa hindi ko malaman na kadahilanan e naisipan ko nalang na sabihin na graduation ko na sa gabi bago ang graduation ko. Nagulat ang halos lahat ng kakilala ko dahil hindi ko pinapaalam dahil malakas ang tsismis. Hindi ako nagdududa, isa lang sabihan ko na malapit kanila ma o di kaya malapit sa malapit kanila ma e nabisto na ako. Naging maganda ito para sa akin dahil nagkaroon ako ng motibasyon upang mag-aral ng mabuti sa huli kong semestre sa kolehiyo. Nag-aral ako ng mabuti hindi dahil sa magagalit ang aking magulang, kundi dahil sa gusto kong masurpresa ang magulang ko at kung magkakabagsak man ako wala na ang surpresa. Mabuti nalang at naging malinis naman ang mga plano ko at hindi ako bumagsak kahit kamuntik na.
Marami pa akong kayabangan, ngunit tinatamad na ako mag-isip. Mahirap din ang magsulat ano?

O sige na, pwede na magyabang ulit.

Yahoo!! nakapagpost na ulit ako...